Archive for September 29th, 2006

Sep 29 2006

Brownout- Walang Koryente

Warning: Magulo talaga tong post na to…read at your own risk.

Dahil super bagyo talaga tong si Milenyo, maraming poste ng Meralco ang nasira at natumba. Shempre ibig sabihin nun walang koryente at hindi pa rin malaman kung kelan magkakaroon.

Nung dalaga pa ako keber ko ba kung walang koryente. Pero iba na pala pag nanay ka na. Andami-dami kong iniisip na problema. Una shempre kung paano makakatulog sa init at dami ng lamok ang anak ko. Tapos iniisip ko kung saan ilalagay yung mga gatas…masisira yun kung hindi nakalagay sa ref. Panghuli yung tubig. Wala kaming tubig kasi di rin umaandar ang motor. Pano na?

Buti kagabi pinayagan kaming matulog sa office nila Morning.  May provision kasi sila na pwedeng matulog ang mga employees sa training room.

Nung una okay naman kaming mag-ina kaya lang by 11 pm may humiga rin dun na miss. Yung miss na ito eh ginawin so pinapatay nya yung aircon. Kami naman ni B.Boy di makatulog dahil mainit. Hindi lang yun…yung mga tao pa sa baba walang pasintabi sa mga natutulog. Ke-lakas magkwentuhan. Ano ba naman yun! In short hindi ako nakatulog.

Dahil nga bangenge ako, nag text ako  na half day muna ako today. Plano ko matulog sandali sa bahay. Haaaay! Hindi rin ako nakatulog. Yung mga squatters sa likod namin ay nagsipaglabasan dahil nga mainit at dun nagsipagtambay sa harap bahay namin. Ke-iingay din. Hindi pa nakontento sa malalakas na kwentuhan, maya-maya nagsabong pa ng mga manok. Kainis di ba?!!!!!

Kaya ako ngayon parang lumulutang sa alapaap. Ngayong gabi di ko alam kung saan kami matutulog na mag-ina.

Yung breastmilk pala ng anak ko nasa office nila Morning. Ililipat na lang dito sa office namin bukas.

Yung problema sa tubig hindi ko pa alam kung saan kami iigib.

Sana magkakoryente na. 

Popularity: 9% [?]

3 responses so far

Sep 29 2006

Superhero

Published by nice under Office Tales

Superhero ko si Manong pedicab driver ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakarating sa trabaho. Yup, pumasok ako kahit nagngingit-ngit ang bagyong Milenyo. Iniisip ko na ngang wag pumasok kasi nakakatakot ma-stranded sa opisina. Kaya lang pano naman yung mga team mates ko. A leader should always be there di ba?

Anyways, mabait itong pedicab driver na ito kasi sinuong nya talaga ang lakas ng hangin, ulan, baha at trapik. Basang basa talaga kami at sa sobrang lakas ng hangin eh feeling ko babaligtad na yung pedicab. After 45 mins nakarating din kami sa pasong tamo. Grabe eh 5 mins lang yung usual travel time hanggang dito. Mega effort talaga. Since ayoko malimutan ang karanasang kong ito kumuha ako ng mga larawan.

grabe ang ulan at baha (kuha ko to sa loob ng pedicab)

image015.JPG

~ Sa sobrang taas ng tubig nakataas na yung paa.

At matapos ang lahat lahat…nakarating din ako sa trabaho. Mukha nga lang basang sisiw.

image016.JPG

(kahapon ko pa ito sinulat kaya lang sinundo na ako ng byenan kaya di na natapos)

Popularity: 10% [?]

No responses yet