Sep 29 2006

Brownout- Walang Koryente

Published by nice at 9:17 am under Andre Miguel, Breastfeeding, Family, My Thoughts

Warning: Magulo talaga tong post na to…read at your own risk.

Dahil super bagyo talaga tong si Milenyo, maraming poste ng Meralco ang nasira at natumba. Shempre ibig sabihin nun walang koryente at hindi pa rin malaman kung kelan magkakaroon.

Nung dalaga pa ako keber ko ba kung walang koryente. Pero iba na pala pag nanay ka na. Andami-dami kong iniisip na problema. Una shempre kung paano makakatulog sa init at dami ng lamok ang anak ko. Tapos iniisip ko kung saan ilalagay yung mga gatas…masisira yun kung hindi nakalagay sa ref. Panghuli yung tubig. Wala kaming tubig kasi di rin umaandar ang motor. Pano na?

Buti kagabi pinayagan kaming matulog sa office nila Morning.  May provision kasi sila na pwedeng matulog ang mga employees sa training room.

Nung una okay naman kaming mag-ina kaya lang by 11 pm may humiga rin dun na miss. Yung miss na ito eh ginawin so pinapatay nya yung aircon. Kami naman ni B.Boy di makatulog dahil mainit. Hindi lang yun…yung mga tao pa sa baba walang pasintabi sa mga natutulog. Ke-lakas magkwentuhan. Ano ba naman yun! In short hindi ako nakatulog.

Dahil nga bangenge ako, nag text ako  na half day muna ako today. Plano ko matulog sandali sa bahay. Haaaay! Hindi rin ako nakatulog. Yung mga squatters sa likod namin ay nagsipaglabasan dahil nga mainit at dun nagsipagtambay sa harap bahay namin. Ke-iingay din. Hindi pa nakontento sa malalakas na kwentuhan, maya-maya nagsabong pa ng mga manok. Kainis di ba?!!!!!

Kaya ako ngayon parang lumulutang sa alapaap. Ngayong gabi di ko alam kung saan kami matutulog na mag-ina.

Yung breastmilk pala ng anak ko nasa office nila Morning. Ililipat na lang dito sa office namin bukas.

Yung problema sa tubig hindi ko pa alam kung saan kami iigib.

Sana magkakoryente na. 

Popularity: 8% [?]

3 Responses to “Brownout- Walang Koryente”

  1. Aggie on 29 Sep 2006 at 11:50 am

    Hala, Nice, di ka sabog, kasi exactong exacto tyo ng iniisip, hahaha!!
    May pasok ako kahapon eh, kaya yung mga pinump ko, iniwan ko sa office pero grabe ang iniisip ko ung mahigt 20bags na naiwan sa ref. Luckily nagkakuryente naman nung umaga kanin (mga 6am) so di nasira. Hindi pinabukas ni Edil ung ref buong magdamag.

    wala rin kaming tubig kasi walang motor. I hope ok na ung kuryente nyo pero sobrang daming bagsak na cable ng kuryente, si martha nasa cavite buti na lang may generator dun, dapat nga uuwi na sila (buti na lang hindi pa!)

    Ingat!!

  2. Simone on 30 Sep 2006 at 3:33 pm

    Oh that’s annoying! Pero okay lang di ka nakatulog basta ang pinakamamahal mong anak ay mahimbing ang tulog, okei na rin yun! :D

  3. nicemorning on 03 Oct 2006 at 8:02 am

    Aggie : good to know na hindi pala ako nag-iisa. Akala ko napapraning na ako.

    Simone: Yup…ang important si B.boy talaga.

    Wala pa ring kuryente hanggang ngayon. :(

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply