Oct 27 2006

Nakakawindang

Published by nice at 8:27 am under My Thoughts

Last Sunday na confine sa hospital ang bunsong anak ni yaya. Sobrang worried sha at hindi nakakain ng merienda at hapunan.

Nung gabi nagpaalam sha sa aming mag-asawa na uuwi sa Ilocos. Magulang din kami kaya alam namin kung ano ang nararamdaman nya. Pero minsan kailangan ding maging praktikal. Wala na kaming masyadong maibigay sa kanya dahil madami na siyang cash advance sa sweldo. Na kung susumahin ay aabot pa sa isang taon bago mabayaran.

Tinawagan namin sina Mama at Papa yamang alam nila ang kalagayan ng kanilang anak. (Sila kasi ang nag-suggest na dalhin sa ospital) Sinabi naman nila na di naman ganun ka critical ang lagay. Nag-usap kaming mag-asawa at suggest namin kay yaya na kung gusto nya, intayin na lang ang tawag ng asawa nya kinabukasan para malaman talaga ang lagay ng kanilang anak. Para kung hindi naman ganun ka-grabe pwedeng yung perang pamasahe niya eh ipadala na lang na panggastos dun sa probinsya.

Pumayag naman siya sa suggestion namin.

Bandang alas kwatro ng madaling araw, nakarinig ako ng malakas na hagulgol. Lumabas ako at nakita ko si yaya na sobrang di magkamayaw sa pag-iyak. Nagtext daw ang panganay nya at sinabing patay na ang kanyang bunso.

Nanginig talaga ako ng mga sandaling yon. Wala akong masabi habang si yaya ay tuloy ang hapis na umiiyak. Hindi man lang daw nya nakita ang kanyang anak. Sa totoo lang nakaramdam ako ng matinding kirot at pagsisisi na di namin siya pinauwi.

Ginising ko ang asawa ko at sinabi ang balita. Pati siya ay lubhang nagulat.

Maya-maya nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na basahin ang text ng anak nya. (translated na sa tagalog dahil iloko ang original) “Mama, ano na yung sinasabi mong pahilot sa Paoay, kasi namatay na”

Parang malabo di ba? Kaya sinubukan kong tawagan…unattended. Napatawag tuloy ako kila Mama at nakiusap na pumunta sila sa ospital at alamin ang lagay ng bata. Mejo bantulot si mama kasi maysakit din si papa ng mga panahong yon.

May natawagan din kami sa wakas at nakausap ang byenan ni yaya. Ayos naman daw ang anak nya at ang tinutukoy na namatay sa text eh yung manghihilot. Haaaaay! Para kaming nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.

Nung umaga nakausap din ni yaya ang kanyang mag-ama. Typhoid fever ang sakit ng bata at okay naman ang lagay. Napagpasyahan nilang di na lang uuwi si yaya.

Pero kinabukasan nag-iba na naman ng isip. Nag-usap ulit kaming mag-asawa. Sa ikakapanatag ng loob ni yaya pauuwiin namin sha pero sa Biyernes na ng gabi. Para walang trabaho. Di rin kasi kami pwedeng basta basta mag-leave dahil kakabakasyon lang nung 24. Pumayag naman sha.

Sana lang bumalik siya ng Lunes ng umaga kasi may pasok na naman at sinusumpong pa rin ako ng hika.

Popularity: 7% [?]

One Response to “Nakakawindang”

  1. Litzie on 28 Oct 2006 at 5:12 am

    Nice nawindang din ako sa pagbabasa ng post mo! Medyo funny din sya nung malaman ko ang ending! :)

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply