Apr 05 2007

Busy Busy Busy

Published by nice at 10:59 am under Family, My Thoughts, Office Tales

Ba’t lagi na lang busy nowadays? Pag nakatapos ng isa at akala mo’t makakahinga na ng maluwag eh eto at meron na namang pagkakaabalahan. Hindi na natapos. Heto’t bakasyon at nasa trabaho pa rin. May project kasi na minamadali sa Friday next week na ang deadline pero nangangalahati pa lang kami. Tapos mag-le-leave ang isang team member ko ng 2 days next week. Mahirap naman di payagan kasi matagal na nyang fi-nile yun. Pero at the rate we are going now, mukhang kakayanin naman ang deadline yun nga lang konting sakripisyo ang kailangan.

Pero di bale,  bukas bakasyon na kami. Pupunta kaming Tagaytay. Yeheeeeey! Andito na rin sila Mama at Papa. Masaya silang makapiling ang kanilang apo. Paminsan-minsan lang kasi eh. Alam ko mag-e-enjoy kami. Kwentuhan ko kayo next time…pag mejo nakaluwag na ako.  :)
Malapit na rin yung bakasyon namin sa Bora. Yehey! Matagal na naming iniintay yun. Kaya makakabawi rin ako. Konting tiis pa.  :)
Saka nga pala, nakapagpagupit na rin ako ng buhok sa wakas. hehehe. Isang taon ring walang gupitan ang drama ko. Halos hanggang beywang umabot ang buhok. Di ko sadya…la lang time magpagupit. Kaya tuwang-tuwa ako last week at nakapag salon din sa wakas. Maayos na buhok at kilay ko. New look baga.  :D  At pinakamahalaga nagustuhan ng mahal kong asawa.  :p Shempre feel ko din ang bagong look.  Shorter na hair ko and may bangs ng konti. Sabi ng mga sisters ko “Anne Curtis look” daw yun. bwahahaha!

O sha…back to work muna ulit. Hanggang sa muli. :)

Popularity: 11% [?]

2 Responses to “Busy Busy Busy”

  1. tim ang on 10 Apr 2007 at 7:53 pm

    kaya mo yan. masarap naman kasi pagkatapos ng trabaho. sulitin mo na yung bakasyon niyo, baka abutin ng ilang buwan ang susunod. Hehe.

  2. nicemorning on 12 Apr 2007 at 12:57 pm

    Korek ka jan! :)

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply